^

Metro

Welgista isu-sobpoena ng LTFRB

-
Isu-sobpoena ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng mga pampasaherong sasakyan na nagsagawa ng transport strike mula noong Lunes.

Sa isang panayam, sinabi ni Len Bautista, chairperson ng LTFRB na hihingin nila ang kopya ng mga passenger vehicles na nagsipag-welga sa mga lalawigan at gayundin sa Metro Manila.

Binanggit pa nito na nakikipag-ugnayan na sila sa Metro Manila Development Auhority (MMDA), gayundin sa DOTC, PNP-TMG, Land Transportation Office (LTO) at local government traffic office para makuha ang talaan ng mga passenger vehicles na nag-aklas at tumigil sa kanilang pamamasada.

Binigyang-diin nito na bagamat hindi pa nadedesisyunan ang isyu ng transport strike ng pampasaherong sasakyan noong Mayo 1, isasama na rin sa kanilang kalendaryo ang pagsasalang sa pagdinig sa naganap na mga ‘tigil-pasada’ sa linggong ito.

"Gagawin yung procedure na naaayon sa batas laban sa mga nag-strike", pahayag ni Bautista.

Una rito, niliwanag ng LTFRB na walang karapatan na maglunsad ng transport strike ang mga pampasaherong sasakyan dahil alinsunod sa kanilang prangkisa responsibilidad nilang ihatid at isakay ang mga pasahero at huwag dulutan ng problema ang riding public.

Kahapon mangilan-ngilan lamang ang naapektuhan ng welga ng mga jeep dahil sa pag-urong ng FEJODAP sa una nilang inihayag na pagsama sa ‘tigil-pasada’.

Marami ring mga FX taxi at mga bus ang pumasada bukod pa rito ang mga naka- standby na libreng sakay ng AFP.

Samantala, tagumpay umano ang isinagawang transport strike kahapon ng mga pampasaherong jeep na naramdaman sa maraming mga lalawigan.

Gayunman, sa Metro Manila hindi gaanong nadama ang impact ng isinagawang ‘tigil pasada’. (Ulat nina Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla at Danilo Garcia)

ANGIE

BAUTISTA

DANILO GARCIA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEN BAUTISTA

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with