Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng nakuha sa kanyang Duty Free Plus card na si Wilfredo Co.
Ayon sa pulisya dakong alas-5 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa loob ng SLEX sa Sitio Lagunay, Barangay Putatan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na ang biktima na may mahabang buhok at nakasuot ng kulay pulang jogging pants at t-shirt ay hinihinalang hinarang ng hindi pa nakikilalang mga suspect habang ito ay nagja-jogging bago ito pinatay at saka itinapon sa loob ng South Luzon Expressway.
Malabo pa rin sa pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)