^

Metro

Bading kinatay habang nagja-jogging

-
Luwa ang bituka dahil sa dami ng tinamong saksak nang matagpuan ang isang bakla, kahapon ng umaga sa loob ng South Luzon Expressway sa Muntinlupa City.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng nakuha sa kanyang Duty Free Plus card na si Wilfredo Co.

Ayon sa pulisya dakong alas-5 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa loob ng SLEX sa Sitio Lagunay, Barangay Putatan ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang biktima na may mahabang buhok at nakasuot ng kulay pulang jogging pants at t-shirt ay hinihinalang hinarang ng hindi pa nakikilalang mga suspect habang ito ay nagja-jogging bago ito pinatay at saka itinapon sa loob ng South Luzon Expressway.

Malabo pa rin sa pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BARANGAY PUTATAN

DUTY FREE PLUS

LORDETH BONILLA

LUWA

MALABO

MUNTINLUPA CITY

SITIO LAGUNAY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

WILFREDO CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with