^

Metro

Lalaki lasog sa LRT

-
Sa pangalawang pagkakataon tuluyan nang namatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos itong tumalon sa riles ng Light Rail Transit (LRT) kamakalawa ng gabi sa Vito Cruz station sa Maynila.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang inilarawang nasa 25 anyos, may taas na 5’4, payat ang pangangatawan at nakasuot ng puting t-shirt at maong pants.

Batay sa imbestigasyon ng WPD-Homicide Section, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa Vito Cruz station. Hindi umano sumakay ang biktima nang dumating ang tren na patungong Monumento.

Itinaon ng biktima ang pagtalon sa riles ng pinaandar na ng operator na si Edwin Rueto ang tren kung kaya’t hindi na nito naihinto pa ang tren.

Dahil dito, nakaladkad ang biktima hanggang 50 metro ang layo mula sa pinagtalunan nito.

Lumilitaw na noong Marso 26 dakong ala-1 ng hapon ay tinangka ding tumalon at magpakamatay ng biktima subalit agad itong nakita ng operator na si Leonardo Soteo.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na pangalan ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BATAY

DAHIL

DANILO GARCIA

EDWIN RUETO

HANGGANG

HOMICIDE SECTION

ITINAON

LEONARDO SOTEO

LIGHT RAIL TRANSIT

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with