^

Metro

Hapones arestado sa kasong rape

-
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang Japanese national makaraang ireklamo ito ng panggagahasa ng pamangkin ng kanyang asawa kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakapiit ngayon sa CPD-Kamuning Police Station ang suspect na si Seichi Araki, 44, negosyante at nanunuluyan sa Unit 804 PM Apartment #24 Matalino St. ng nasabi ding lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Corazon Sandoval, chief ng Women and Children’s Desk, dakong alas-2 ng madaling-araw nang halayin umano ng suspect ang biktima na itinago sa pangalang Liza sa loob ng kuwarto nito.

Ang biktima ay nagtatrabaho bilang coffee repacker na negosyo ng suspect.

Inamin naman ng suspect na nagalaw niya ang biktima dala ng matinding kalasingan dahil inakala niya na ito ang kanyang asawa. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BATAY

BUMAGSAK

CORAZON SANDOVAL

DORIS FRANCHE

INAMIN

KAMUNING POLICE STATION

MATALINO ST.

QUEZON CITY

SEICHI ARAKI

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with