^

Metro

Lola nalitson sa sunog

-
Nalitson ang isang 61-anyos na lola makaraang makulong sa loob ng kanyang kuwarto habang mahimbing na natutulog matapos maganap ang isang sunog sa tinitirhan nitong apartment, kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Narekober ng mga bumbero ang nasunog na bangkay ng biktimang si Letty Co, isa sa mga residente sa 18-pitong apartment sa may Lope de Vega St., Sta Cruz, Maynila.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog dakong alas-7 ng gabi kamakalawa sa isa sa mga unit ng apartment kung saan agad na kumalat ang apoy sa mga katabing kuwarto.

Nabatid naman na mahimbing na natutulog sa loob ng kanyang kuwarto ang lolang si Letty at hindi namalayan ang komosyon sa labas kung saan tuluyan itong nakulong sa loob.

Naapula lamang ang sunog na umabot sa Task Force Bravo dakong alas-5 na kahapon ng madaling araw. Umabot naman sa P3 milyon ang halaga ng ari-arian na natupok sa naturang insidente.

Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng BFP upang alamin kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRUZ

DANILO GARCIA

ISANG

LETTY

LETTY CO

MAYNILA

STA CRUZ

TASK FORCE BRAVO

VEGA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with