Hindi makayanan ang sakit,mister nagbigti
March 26, 2004 | 12:00am
Hindi na nahintay ng isang 47-anyos na lalaki ang biniling gamot ng kanyang misis makaraang magpatiwakal ito sa pamamagitan nang pagbibigti dahil sa hindi na makayanang sakit sa diabetes kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Nakilala ang nasawi na si Renato Bajoy.
Sa report ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon nang matagpuan ang nakabigting bangkay ng biktima sa kanilang bahay sa Pag-asa St., Maricaban Pasay City.
Ayon kay Aling Vivian, asawa ng nasawi, sandali niyang iniwan ang kanyang asawa sa kanilang bahay upang magtungo sa isang kaibigan upang manghiram ng perang pambili ng gamot ng biktima.
Ganun na lamang ang pagkabigla nito nang pagpasok sa kanilang bahay ay bumulagta sa kanyang harapan ang nakabigting bangkay ng biktima.
Sinabi pa ni Aling Vivian na wala umano siyang nakikitang dahilan nang pagpapatiwakal ng biktima maliban sa sakit nitong diabetes na labis na nagpapahirap dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest