^

Metro

Larawan ng wanted drug traffickers inilabas

-
Upang mapalakas pa ang anti-drug campaign ng pamahalaan, ipinalabas na kahapon ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AID-SOTF) ang posters/larawan ng 16 mga wanted na big time drug manufacturers at traffickers na aktibong kumikilos sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lugar.

Kinilala nina PNP-AID-SOTF at Interior and Local Government Secretary Jose Lina Jr. ang mga pinaghahanap na wanted na sina Wang Ya Shi, gumagamit ng mga alyas na Aaron Wang, Willy Ong at Siyah; Henry Tan Tamayo alyas Eddie Ong / Eddie Tan; pawang may tig-P 1 M reward.

Kabilang pa sa mga wanted ay sina Deng Xiao Li alyas Shio Teng, Ong Kim Tie alyas Alex Ong , Qui Yun Hai alyas Carlito Go, Jackson Uy alyas Dina, Benito Sze alyas Benito Sy, Ling Tsung Huan, Randy Chua alyas Rodel Uy at Ong Shin Pin alyas Aping Ong, pawang may patong sa ulong P 500,000.00

Ang iba pa ay sina Ding Cai Hui alyas Tony Lao, Ronald Yao, Wen Jin Cai, Chua Lin Yen, Chen Jiang Long alyas Chen Jiang Rong/Along at Juanito Lee Ty na tig P 300,000.00 naman ang reward.

Sinabi ni Lina na sa pamamagitan ng pagpapalabas ng larawan ng nangungunang 16 wanted drug manufacturers at traffickers ay mapapabilis ang pagdakip sa mga ito.

Idinagdag pa nito na simula Hunyo 16, 2003 hanggang sa buwang kasalukuyan ay umaabot na sa kabuuang 30,955 drug pushers ang kanilang naaresto na nagresulta rin sa pagkakalansag ng may 205 drug groups, habang 5,000 barangay naman ang nalinis sa talaan ng droga sa Metro Manila. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AARON WANG

ALEX ONG

ALYAS

APING ONG

BENITO SY

BENITO SZE

CARLITO GO

CHEN JIANG LONG

CHEN JIANG RONG

CHUA LIN YEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with