^

Metro

Anak ng pianist nagpakamatay

-
Nagpakamatay ang anak ng isang dating pianist matapos itong magkulong at punuin ng usok ang kanyang sasakyan, kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Si Sara Fuentes, 19, ng 38-A Scout Tuazon St., Brgy. Laging Handa, Quezon City at anak ni Toti Fuentes, na dating pianist/musician ay natagpuang patay sa loob ng kanyang Toyota Revo na may plakang WEF-351.

Ayon kay Adrew Roising, kaibigan ng pamilya Fuentes tinawagan siya ng kaibigan ng biktima na nagngangalang Wilma upang alamin kung nasa bahay nila si Sara sa Quezon City.

Sinabi ni Roising na hindi umano umuwi sa kanyang tinutuluyang bahay sa Ayala, Makati ang biktima kung kaya’t nag-aalala ang kaibigan nitong si Wilma.

Dahil dito, napilitang puntahan ni Roising sa bahay nila sa Quezon City si Sara. Nasa gate pa lang siya ng bahay ay narinig na niya na umaandar ang makina ng sasakyan sa loob pero hindi siya pinagbubuksan ng gate.

Napilitan nang humingi ng tulong si Roising sa Barangay Captain na si Pepe Pimentel at agad na pinasok ang bahay.

Nakita nila na isang hose ang ipinasok ng biktima sa tambutso ng sasakyan na nilagyan ng packaging tape at saka ang kabilang dulo ay ipinasok sa bintana ng sasakyan.

Nilagyan din ng tape ng biktima ang bintana na pinagpasukan ng hose upang walang usok na lumabas.

Patay na nang abutan nina Roising si Sara sa loob ng sasakyan.

Ayon sa kaibigan nitong si Wilma napansin na nila na naging malungkutin ang biktima sa nakalipas na limang araw subalit wala naman itong sinasabi sa kanilang problema.

Gayunman, may iniwan umano itong suicide note sa kanilang bahay sa Makati.

Lumitaw pa na nag-iisa na si Sara sa pamilya Fuentes na nasa bansa at ang kanyang mga kaanak ay pawang nasa Amerika na. (Ulat ni Doris Franche)

A SCOUT TUAZON ST.

ADREW ROISING

AYON

BARANGAY CAPTAIN

DORIS FRANCHE

FUENTES

QUEZON CITY

ROISING

SARA

WILMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with