4 kasapi ng 'FX Gang' nasakote
March 22, 2004 | 12:00am
Apat na miyembro ng FX Gang ang naaresto ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ang mga inarestong suspect na sina Oliver Ibanez, 25; Melvin Medina, 18; Rey Salasibar, 23 at Joseph Nari, 22, pawang mga naninirahan sa Tramo St., Brgy. Rosario Pasig City.
Kasalukuyang nakakulong sa CPD Anonas police station ang mga suspect habang inihahanda ang kasong robbery/hold-up na isasampa laban sa kanila.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:55 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng Aurora Blvd., Quezon City.
Napag-alaman na matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang nasabing sasakyang FX taxi W6M-489 dahil sa umanoy ginagamit ito ng mga suspek sa panghoholdap ng kanilang mga pinipick-up na pasahero.
Agad namang kinilala ng ilan sa mga nabiktima ang mga suspect na kasalukuyang nakakulong.
Kaugnay nito, nanawagan din ang mga pulis sa iba pang mga nabiktima ng grupo sa nasabing modus opeandi na magtungo sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng kaukulang reklamo sa mga suspek. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest