Video shop nilooban
March 22, 2004 | 12:00am
Nalimas ang salapi sa loob ng ACA video shop makaraan itong looban ng mga di pa nakikilalang salarin kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Personal na dumulog sa Kamuning police station si ACA branch manager Dom Maurice Padilla, 27, ng Brgy. Peñafrancia Antipolo upang ireport ang nasabing pagnanakaw.
Ayon kay Padilla, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang isara nila ang ACA video shop sa may Kamuning Rd. T. Junes St., Brgy. Kamuning.
Laking gulat na lamang ni Padilla nang kinaumagahan ay nakita na lamang niya na sira ang padlocked ng pintuan ng tindahan.
Lumalabas sa imbestigasyon na gumamit ng vault cutter ang mga di pa nakikilalang suspect at sinira ang kandado bago tuluyang pumasok sa managers office at tinangay ang mga salapi doon na umaabot sa halagang P20,000.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa nasabing insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended