^

Metro

Ilang flights sa NAIA nabalam dahil sa 'grass fire'

-
Nabulabog ang mga parating at paalis na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang biglang masunog ang isang madamong bahagi ng Runway 06-24.

Bagaman walang iniulat na nasaktan at napinsala, nagdulot naman ng pangamba sa mga airline crew at mga pasahero ang sunog na tumagal ng mahigit sa dalawang oras, dahil sa laki ng apoy at makapal na usok na bumalot sa naturang runway.

Ang sunog ay nagsimula bandang alas-4:45 ng hapon noong Biyernes sa matalahib na bahagi ng runway. Dahil sa matindi ang init ng araw at lakas ng hangin ay mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa taas na tatlo hanggang apat na talampakan.

Isang paalis na eroplano ng China Airlines patungong Taiwan ang hindi kaagad naka-take-off dahil sa pangambang abutin ito ng apoy at sumabog habang nagta-taxi sa runway.

Pinalapag ang mga parating na pasahero sa ibang runway upang makaiwas sa sunog.

Kaagad namang sumaklolo ang pamatay-sunog ng MIAA Fire and Rescue Team, Pasay City Fire Department at ng helicopter ng 505th Search and Rescue Group ng Phil. Air Force. Alas 7:30 ng gabi nang tuluyang maapula ang apoy.

Ayon sa mga arson investigator, posibleng dahil sa tindi ng sikat ng araw kaya nagliyab ang mga tuyong talahib sa lugar. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AIR FORCE

AYON

BAGAMAN

BIYERNES

BUTCH QUEJADA

CHINA AIRLINES

FIRE AND RESCUE TEAM

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY FIRE DEPARTMENT

SEARCH AND RESCUE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with