PISTON di sasama sa transport strike
March 20, 2004 | 12:00am
Hindi sasama ang mga pampasaherong jeep sa ilulunsad na transport strike ng mga pampasaherong bus sa Metro Manila at mga lalawigan.
Sinabi ni Mar Gavida, pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na hindi sila makikisimpatiya sa tigil- pasada na gagawin ng Provincial at Metro Manila buses dahil sa hihintayin muna nila ang magiging desisyon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Marso 25 hinggil sa petisyon nilang pagtataas sa pasahe.
Ayon pa dito, malamang na ma-technical lamang sila kung sasama sila sa strike lalu nat may koordinasyon nang ginawa ang LTFRB sa kanilang grupo at iba pang samahan ng mga pampasaherong jeep.
Kahapon din, tinagubilinan ng LTFRB board ang 50 franchise holder ng jeep na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi sila maaaring tanggalan ng prangkisa dahil sa pagsasagawa ng transport strike noong nagdaang Marso 1.
Iisa ang argumento ng mga provincial at Metro Manila buses, maging ang mga jeep na payagan silang makapagtaas ng pasahe dahil sa sunod-sunod namang pagtaas ng presyo ng gasolina, spare parts at maintenance fee.
P1.50 ang fare increase petition ng jeep at P2.00 naman ang hingi sa mga bus. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended