^

Metro

Dalaga napatay ng binasted na manliligaw

-
Makaraang biguin ang kanyang manliligaw, isang dalaga ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng huli, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktimang si Myla Seguerra, ng Barangay Holy Spirit, Nawasa Line, Republic Avenue, ng naturan ring lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit sa CPD-Criminal Investigation Unit ang suspect na nakilalang si Benedicto Regaspi, 27, ng 4041 Sitio Ugong, Valenzuela, habang inihahanda ang kasong murder laban dito.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi kamakalawa sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Lumilitaw na masugid na manliligaw ng biktima ang suspect at sumama ang loob nito ng makitang may kasamang ibang lalaki ang una.

Dahil sa matinding selos, naglasing si Regaspi at pinuntahan sa bahay ang biktima hanggang sa tutukan ng patalim at tinangkang gahasain.

Nanlaban ang biktima hanggang sa saksakin siya ng paulit-ulit ng suspect.

Binanggit pa ng suspect na hindi umano niya matanggap ang pambabasted ng biktima kung kaya’t nagawa niya itong patayin para hindi na pakinabangan pa ng iba. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BARANGAY HOLY SPIRIT

BATAY

BENEDICTO REGASPI

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

MYLA SEGUERRA

NAWASA LINE

QUEZON CITY

REPUBLIC AVENUE

SITIO UGONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with