2 pulis WPD arestado sa kotong
March 20, 2004 | 12:00am
Dalawang miyembro ng Western Police District (WPD) ang inaresto ng mga kabaro nito makaraang mahuli sa aktong pangongotong sa isang jeepney driver sa isinagawang entrapment operation, kamakalawa sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang mga dinakip na sina PO3 Alvin Tiente at PO1 Richard Baler na matagal na umanong nananamantala sa mga jeepney driver.
Nabatid na ang dalawa ay dinakip sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Task Force Galugod sa Plaza Avelino sa Sta. Cruz, Manila.
Nauna rito, inireklamo ni Wilfredo dela Peña ang umanoy suking driver ng dalawa ang palagiang panghuhuli sa kanya ng mga ito kahit wala naman siyang nagawang violation at sa huli ay hihingan lamang siya ng pera.
Ang dalawa ay sinunggaban ng kanilang mga kasamahan sa aktong tinatanggap ang marked money mula kay dela Peña.
Nasamsam din sa mga ito ang mga lisensiyang hindi pa natutubos ng mga driver na kanilang hinuli. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest