Nabawing bangkay sa Ferry 77 na
March 19, 2004 | 12:00am
Umaabot na sa 77 labi ng mga nawawalang pasahero sa sumabog na SuperFerry 14 ang narerekober na ng mga tauhan ng Phil. Coast Guard.
Ayon kay Commodore Wilfredo Tamayo na halos nakumpleto na ng kanilang mga tauhan ang isinagawang paghahanap sa mga nawawala pang pasahero. Irerekomenda na rin nila sa pamahalaan na itigil na ang retrieval operations.
Magugunitang hanggang sa ngayon ay misteryoso pa rin ang dahilan ng naganap na pagsabog at pagkasunog ng SuperFerry 14 noong nakalipas na Pebrero 27 na may lulang 900 katao.
Inaalam pa rin sa kasalukuyang kung ano ang pinagmulan ng pagsabog at sunog, bagamat nauna nang umamin ang grupo ng teroristang Abu Sayyaf na sila ang may pakana sa insidente.
Inihayag pa ni Tamayo na 40 sa mga labi ang nakuha na buo, habang ang 37 naman ang pira-pirasong bahagi ng mga katawan.
Tinatayang aabot na lamang sa 40 katao na nawawala ang hindi pa natatagpuan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended