^

Metro

Mga pulitiko bawal mangampanya sa eskwelahan

-
Nagpalabas ng memorandum order ang Department of Education (DepEd) upang pagbawalan ang mga pulitiko na mangampanya sa lahat ng pampublikong elementarya at high schools.

Ayon sa DepEd Order 107, inaprubahan ng Comelec ang isang special guidelines upang hindi magamit ng mga pulitiko ang mga paaralan at maprotektahan ang integridad ng mga guro na siyang mangangasiwa sa eleksyon.

Ang lahat umano ng public school ay dapat ‘campaign-free’ zone. "No politicians or candidate can use the school premises or teachers to stage political rallies or engage in campaining within school premises," pahayag ng DepEd.

Ipinagbabawal ng DepEd ang pagdidikit ng mga campaign materials sa anumang pag-aari ng paaralan partikular sa mga pader. Bawal din ang pangangampanya sa loob ng mga paaralan.

Hinimok rin ng Comelec ang mga opisyal ng paaralan na magkabit ng mga "Clean Schools, clean elections" upang paalalahanan ang mga pulitiko.

"During the campaign period and up through election day, it is unlawful to distribute any election campaign materials within the premises of public school,’ pahayag pa ng memo.

Binigyan din ng kapangyarihan ang mga guro at principal na alisin ang mga poster sa loob at labas ng nasasakupang eskuwelahan. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

BAWAL

BINIGYAN

CLEAN SCHOOLS

COMELEC

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

HINIMOK

IPINAGBABAWAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with