^

Metro

Pulis, 4 pa timbog sa shabu at mga armas

-
Limang ‘tulak’ kabilang ang isang pulis na nakatalaga sa Parañaque ang inaresto ng mga awtoridad matapos makumpiskahan ng mga shabu at mga baril sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Sa ulat na tinanggap ni SPD director Chief Supt. Prospero Noble, nakilala ang nadakip na pulis na si PO3 Dennis Arenas, 34, na nakatalaga sa Police Community Precint 3, ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang mga kasama nito ay kinilalang sina Reynaldo Bragais, 38, tricycle driver; Allan Muncan, 37; Erwin Miguel at Oscar dela Cruz, 46.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nadakip ang mga suspect dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Don Carlos St., Pasay City matapos ang isinagawang buy-bust operation.

Unang naging target ng operasyon ay ang suspect na si Miguel na ayon sa kanilang impormante ay sangkot sa malawakang pagtutulak ng droga. May kasabwat din umano itong pulis sa operasyon.

Natiyempuhan ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation si PO3 Arenas at tatlo pang suspect habang sakay ang mga ito sa isang box type na Mitsubishi Lancer.

Nasamsam sa mga nadakip ang isang U.S. M-14 armalite rifle; 9mm Beretta, iba’t ibang bala at mahigit sa isang gramo ng shabu.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspect. (Ulat ni Lordeth

vuukle comment

ALLAN MUNCAN

CHIEF SUPT

DENNIS ARENAS

DON CARLOS ST.

ERWIN MIGUEL

MITSUBISHI LANCER

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY PRECINT

PROSPERO NOBLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with