^

Metro

Petisyon ng transport groups sa "taas-pasahe" bitin pa rin

-
Bitin pa rin ang transport groups sa desisyon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kahapon hinggil sa kanilang petisyon na maitaas sa P1.50 ang singil sa minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep.

Kahapon, tuluyan nang naaburido ang samahan ng transportasyon sa pangunguna ng PISTON, FEJODAP, PCDO-ACTO, ALTODAP, MJODA at nagpahayag pa ang mga ito ng pagkondena sa pamunuan ng LTFRB nang walang nangyari sa kanilang petisyon.

Ito ay nang ipagpaliban kahapon ni LTFRB Chairperson Ellen Bautista sa Marso 25 ng taong ito ang muling pagdinig ng board ang kanilang fare increase petition dahil sa ilang kadahilanan.

Kailangan anya ng LTFRB na ma-substantiate ng transport groups ang petisyon ng mga ito hinggil sa hinihinging P1.50 taas sa singil sa pasahe kaya’t ang mga ito ay pinagsusumite ng board ng "position paper with affidavit of the witness" para maging patas ang magiging kalalabasan ng desisyon ng LTFRB hinggil dito.

Hindi kumbinsido ang LTFRB sa argumento ng transport groups na dahil sa pagtaas ng gasolina ay nararapat na maitaas ang singil sa pasahe sa jeep, gayung ayon sa ahensiya, ang transport groups na ito ay binibigyan na ng discount ng mga oil companies sa pagbili ng diesel. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BITIN

CHAIRPERSON ELLEN BAUTISTA

CRUZ

KAHAPON

KAILANGAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LTFRB

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with