Sentensyang pagkakulong kay Ace Vergel itinaas ng CA
March 16, 2004 | 12:00am
Inatasan ng Court of Appeals (CA) na itaas ang sentensya at makulong ng hanggang apat na taon ang aktor na si Ace York Aguilar o mas kilala bilang Ace Vergel.
Base sa isang-pahinang resolusyon ng CA, kinatigan nito ang naunang hatol at ng Quezon City Regional Trial Court Branch 26 na patawan si Vergel ng parusang kulong sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Law.
Ipinaliwanag ng CA na walang bagong argumento na isinumite si Vergel na maaaring makapagpabago sa kanilang naunang hatol laban dito. Si Vergel ay una nang hinatulan ng parusang hanggang isang taong pagkabilanggo matapos na madakip siya noong March 21, 1997 ng mga tauhan ng Narcotics Command dahil sa pag-iingat ng 38 gramo ng metamphetamine hydrochloride o shabu.
Habang ibinasura naman ng QCRTC ang kasong paglabag sa illegal possession of firearms dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban sa aktor at hindi saklaw ng plain view doctrine ang pagkumpiska dito.
Nakumpiskahan si Vergel ng isang 45 cal. ng baril na sinasabing pagmamay-ari ng kanyang pinsan na si Bing Lunar at isang .22 cal.
Ang nasabing hatol ay hinarang ni Vergel at humingi ng saklolo sa CA ngunit sa halip na bumaba ang parusa ay itinaas pa ito ng CA dahil hindi naman maaaring ipataw ang isang taong kaparusahan ng prision correccional.
Nilinaw pa rin ng Appellate Court na saklaw si Vergel ng indeterminate sentence law kayat nararapat lamang na magkaroon ng minimum hanggang maximum periods. Ang kaso ng nasabing aktor ay hindi rin saklaw ng parusang kamatayan.
Dahil ditoy ipinataw ng CA ang parusang pagkabilanggo mula apat na buwan at isang araw ng aresto mayor hanggang apat na taon at dalawang buwan ng prision correccional.
Ang CA ay kumbinsido na balido ang pag-aresto sa aktor at pagkumpiska ng shabu sa #9 Atok St., Quezon City dahil may hawak ang mga awtoridad na search warrants na nakuha noon mula kay Pasay RTC Judge Lilia Lopez. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 10, 2024 - 12:00am
November 10, 2024 - 12:00am