^

Metro

Bomba nakuha sa hotel sa Makati

-
Naalarma at nabulabog kahapon ang pulisya matapos silang makatanggap ng report na may mga bombang nakatanim sa ilang lugar sa Makati City kung saan karamihan ng embahada ng ibat-ibang bansa ay nag-oopisina sa naturang lungsod sa pangambang maganap din dito ang pambobomba ng mga terorista sa Madrid, Spain na ikinasawi ng may 200 katao.

Kaagad na sumugod sina NCRPO director General Ricardo de Leon at SPD director Chief Supt. Prospero Noble sa area ng Makati City.

Sinuyod ang mga pangunahing gusali at makalipas ang ilang oras na paggalugad ay sinabi ng mga itong ‘false alarm’ lamang ang ulat.

Gayunman, ayon sa ilang source sa pulisya, na hindi ‘false alarm ang ulat’. Binanggit pa ng ilan mismong pulis na may nakuhang bomba sa Day-Up Mansion hotel, nasa EDSA sa may Magallanes sa Brgy. Bangkal sa Makati City.

Nabatid pa na nakatakda na sanang i-press con ang pagkakuha sa bomba, subalit bago ito sinasabing tumawag ang Malacañang na i-downplay ang insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sa pagitan ng alas-8 at alas-10 ng umaga nang matanggap ang ulat na may mga bombang inilagay sa ilang sasakyan sa kahabaan ng Makati Avenue. Ilang sandali pa ay iniulat na nga na ‘false alarm’ ang mga report.

Gayunman, ipinag-utos ni de Leon ang ibayong paghihigpit sa mga checkpoints at pagdaragdag ng puwersa ng pulisya sa mga shopping malls, hotels, sinehan at mga establisimento sa matataong lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BANGKAL

CHIEF SUPT

DAY-UP MANSION

GAYUNMAN

GENERAL RICARDO

LORDETH BONILLA

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

PROSPERO NOBLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with