Anak, hinabol ng saksak ang ina dahil sa ulam na tuyo
March 16, 2004 | 12:00am
Dahil lamang sa pinag-ulam siya ng tuyo, nagawang suntukin at habulin ng saksak ng isang 36-anyos na anak ang kanyang sariling ina, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong serious physical injuries at illegal possession of deadly weapon ang suspect na anak na si Alejandro Colinares, ng Area 6, Sitio Cabuyao, Barangay Sauyo makaraang ireklamo ito ng kanyang ina na si Gloria, 63.
Ayon kay PO2 Domingo Pedroso ng Novaliches Police Station na dakong alas-7 ng gabi ng maganap ang insidente sa bahay ng mag-ina.
Napag-alaman na sa kabila na ipinaghain pa siya ng kanyang ina ay nag-init ang ulo ng suspect nang makitang tuyo ang ipina-uulam sa kanya.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ina hanggang sa suntukin ng suspect ang biktima.
Hindi pa ito nasiyahan at kumuha pa ng itak at hinabol ng saksak ang sariling ina.
Mabilis namang nagresponde ang mga tanod at inaresto ang suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended