'Serial killer' ng mga bakla mulin sumalakay: Radio announcer todas
March 16, 2004 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang serial killer ng mga bakla ang isang umanoy gay na radio announcer sa loob ng kuwarto nito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Labing-apat na saksak sa katawan ang tinamo ni William Castro, alyas Contact, 42, ng radio DZAM at naninirahan sa #6410 Phase II Building 6, Sikatuna Bliss ng nabanggit ding lungsod nang matagpuan ng kanyang boardmate na si Jasper Manlapaz, dakong alas-9 ng gabi.
Ayon kay Manlapaz, laking gulat niya nang makitang nakahandusay sa kama at tadtad ng saksak sa katawan si Castro at nakita niya ang lababo na puno ng dugo na pinaniniwalaang pinaghugasan pa ng suspect na hinihinalang isang call boy at pinaniniwalaang serial killer.
Nabatid na madalas umanong nagdadala ng mga lalaki sa kanilang kuwarto ang biktima at doon nag-iinuman.
Sinabi naman ni CPD director Chief Supt. Napoleon Castro, na ibinabasura na nila ang motibong robbery at pinagtutuunan nila ng pansin na isang serial killer ang suspect na galit sa mga bakla.
Lumilitaw na ang biktima ay pang-apat na sa mga umanoy baklang napapatay ng serial killer sa lungsod ng Quezon.
Unang napaulat na napatay sina Carl Santos, 28, ng Teachers Village, Quezon City na nagtamo ng 21 saksak sa katawan noong Oktubre 29, 2003; Robert Tanghal, 58, ng Matutum St., Brgy. St. Peter na nagtamo ng 40 saksak at naganap noong Disyembre 3, 2003 at si Joel Binsali, 27, stay-in beautician ng J-San Salon sa V. Luna Road, Brgy. Pinyahan ng nasabi ring lungsod.
Malaki ang paniwala ng pulisya na iisa ang suspect sa apat na naganap na pagpatay dahil na rin sa iisa ang pamamaraan na isinagawa ng suspect sa apat na biktima na pawang mga bakla.
Iginiit ng pulisya na sa dami ng mga saksak na tinatamo ng mga biktima, lumalabas na matindi ang galit nito sa mga bakla.(Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest