^

Metro

15,000 barangay tanod isasabak laban sa kriminalidad

-
Umaabot sa 15,000 miyembro ng Barangay Security Development Officers (BSDO) ang ipinakalat sa may 37 police station sa Kalakhang Maynila alinsunod na rin sa kautusan ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina na gamitin ang puwersa ng mga barangay tanod kasama ang mga pulis sa paglaban sa kriminalidad.

Ayon kay NCRPO chief Director General Ricardo de Leon, malaki ang maitutulong ng mga barangay tanod sa pagsugpo ng kriminalidad dahil mas kilala ng mga ito ang kanilang mga kapitbahay na sangkot sa mga iligal na aktibidades.

Mas epektibo din ang intelligence network ng mga barangay tanod kung kaya’t madaling matukoy ang mga pinaghihinalaang kilabot ng mga lugar sa Metro Manila.

Naniniwala si de Leon na sa pagtutulungan ng mga pulis at barangay tanod madaling masusugpo ang mga krimen at tuluyan nang magbabalik ang tiwala ng publiko sa mga opisyal ng pamahalaan. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BARANGAY SECURITY DEVELOPMENT OFFICERS

DIRECTOR GENERAL RICARDO

DORIS FRANCHE

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

NANINIWALA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with