P10-M ari-arian tinupok ng apoy
March 15, 2004 | 12:00am
Tinatayang mahigit sa P10 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy matapos masunog ang isang palengke na umabot sa general alarm kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Sa report ni Chief Insp. Marc Anthony Baun ng Las Piñas City Fire Department, dakong alas-5:20 ng umaga nang magsimulang kumalat ang apoy sa dried fish section ng Zapote Public Market na matatagpuan sa kahabaan ng Zapote St., Brgy. Zapote, ng lungsod na ito.
Umabot sa general alarm ang sunog na tumagal ng halos isang oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
Wala namang napaulat na mga taong nadisgrasya sa naturang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended