Mister nagbigti dahil sa luho ni misis
March 15, 2004 | 12:00am
Dahil umano sa hindi na makayanan ang luho ng kanyang misis, minabuti pa ng isang 25-anyos na obrero na tapusin na ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.
Ang biktima ay nakilalang si Joel Honra, tubong-Baras, Rizal at stay-in construction worker sa ginagawang bahay sa kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Caniogan ng nasabing lungsod. Ito ay natagpuang nakabigti gamit ang isang nylon cord na itinali sa kanyang leeg at ipinulupot sa kisame ng ginagawang bahay.
Ayon kay PO1 Lardy Ignacio, may hawak ng kaso, natagpuan ang nakabigtimg biktima dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang papunta sana ng banyo upang umihi ang isang kasama nito sa trabaho.
Laking gulat nito nang tumambad sa kanyang harapan ang wala nang buhay na biktima na nakabigti.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang suicide note na isinulat ng biktima para sa kanyang asawa. Nakasaad sa sulat ang paghingi ng kapatawaran ng biktima sa asawang si Lea dahil hindi na nito kayang ibigay ang luhong hinihingi nito. Inihabilin din ng biktima sa sulat na alagaan sanang mabuti ang kanyang nag-iisang anak na lalaki.
Inilagak naman ang bangkay ng biktima sa De Guzman Funeral Homes para sa kaukulang awtopsiya. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am