^

Metro

Shootout: 1 patay, 1 kritikal

-
Isa ang patay at isa ang nasa malubhang kalagayan matapos ang habulan at barilan sa pagitan ng mga operatiba ng Central Police District-District Police Intelligence Unit (CPD-DPIU) at ng dalawang katao na pinaniniwalaang sangkot sa iligal na aktibidades kahapon ng hapon sa Quezon City.

Dakong alas-2 ng hapon ng ideklarang patay sa East Avenue Medical Center ang suspect na si Rommel Tan habang ginagamot pa rin sa nasabing ospital ang kasamahan nito na si Rosalyn Neyrello.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Rolando Noguera ng CPD-Station 10, dakong ala-1:30 ng hapon ng maganap ang banatan sa panulukan ng South AA at Roces Avenue, Brgy. Paligsahan, ng nabanggit ding lungsod.

Lumilitaw na nagsasagawa ng police operation ang mga tauhan ng DPIU laban sa mga suspect matapos silang ireklamo ng panggagantso ng mga bakal ng ilang mga negosyante.

Pinahihinto ng mga awtoridad ang mga suspect na sakay ng kulay gray na Toyota Corolla na may plakang TEW-883 subalit bigla itong nagpaputok at saka mabilis na humarurot.

Dahil dito,hinabol ng mga pulis ang mga suspect hanggang sa tuluyang magpalitan ng putok.

Agad na tinamaan, ang suspect na si Tan na siyang nagmamaneho ng kotse na naging dahilan ng pagbangga nito sa sementadong bakod sa Roces Ave. at South AA. Tinamaan din si Neyrello sa katawan.

Ayon kay Chief Insp. Rodolfo Jaraza, hepe ng DPIU, ang mga suspect ay pinaniniwalaang miyembro ng 1-2-3 Gang na nagbabayad ng mga talbog na tseke sa kanilang pinagkukunan ng bakal.

Matagal na umano nilang minamanmanan ang mga suspect hanggang sa matiyempuhan nila ito sa Roces Ave. at South AA. (Ulat ni Doris M. Franche)

CENTRAL POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

CHIEF INSP

DORIS M

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

ROCES AVE

ROCES AVENUE

RODOLFO JARAZA

ROLANDO NOGUERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with