^

Metro

Pulis umabuso sa 'no plate,no travel police,timbog sa kotong

-
Isang bagitong pulis na umano’y umabuso sa pagpapatupad ng "No plate, No travel" policy ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang inaresto ng mga awtoridad makaraang kikilan ang dalawang driver na hinuli dahil sa kawalan ng plaka ng minamanehong nilang tricycle, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, ang dinakip ay si PO1 Randy Gallardo na positibong itinuro ng mga biktimang sina Efren Asuncion at Orlando Francisco ng Murphy, Cubao, na nanghihingi sa kanila ng tig-P1000 kapalit ng kanilang kalayaan.

Ayon pa sa ulat, pinahinto ni Gallardo ang dalawa sa panulukan ng Pelaez at Boni Serrano St. sa Quezon City dahil sa umano’y kawalan ng plate number alinsunod sa ipinatutupad ng "No plate, No travel" policy.

Gayunman, inalok ng pulis ang dalawa na magbayad na lamang sa kanya ng tig-P1,000 at sila ay makakalaya na.

Si Gallardo ay kasalukuyang nakapiit sa CPD-Project 4 police station at inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BONI SERRANO ST.

CUBAO

DORIS FRANCHE

EFREN ASUNCION

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

ORLANDO FRANCISCO

QUEZON CITY

RANDY GALLARDO

SI GALLARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with