2 Comelec officials sinibak sa puwesto
March 13, 2004 | 12:00am
Sinibak sa kanilang katungkulan ang dalawang Commission on Elections (Comelec) officials ng Malabon at Navotas matapos na i-petisyon ni acting Malabon Mayor Jay-Jay Yambao dahil sa umanoy pagkiling ng mga ito sa kanyang mga kalaban sa pulitika.
Sina Malabon poll officer Villamor Igne at Armano Mallorca ng Navotas ay walang nagawa kundi lisanin ang kanilang mga posisyon matapos na lumabas ang order mula sa kanilang superior.
Sinabi naman nina Igne at Mallorca na handa silang lisanin ang kani-kanilang mga pwesto batay na rin sa order ng Comelec National Capital Region (NCR) na magkakabisa sa Lunes (March 15) kahit dadalawang buwan pa lamang ang kanilang paglilingkod.
Sa isang panayam, sinabi ni Yambao na kaya siya naghain ng petisyon ay para maging patas ang labanang pulitikal sa darating na eleksyon.
Kaugnay nito, nilinis naman ni Mallorca ang kanyang pangalan dahil simula noong magsimula siyang manungkulan ay wala naman siyang pinanigang kampo. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest