^

Metro

'Transport holiday' inilunsad sa Cubao

-
Napilay ang operasyon ng ilang mga pampasaherong jeep sa Quezon City partikular na sa Cubao area dahil sa isinagawang ‘transport holiday’, ang pinakabagong istilo ng ‘tigil-pasada’ na pinangunahan ng Alliance of Transport Organization Drivers Association of the Philippines (ALTODAP).

Ang naturang aksyon ay kanilang isinagawa para kondenahin ang umano’y hindi nila makayanang pangongotong ng mga enforcers lalo na sa Cubao area. Isama na rin dito ang pagtaas ng presyo ng krudo na nagdulot ng pagtaas sa halaga ng bilihin.

Gayunman, hindi naman tumagal ng maghapon ang paralisasyon ng mga biyahe matapos na personal na magtungo at kausapin ang mga welgista ni LTFRB Chairperson Ellen Bautista.

Ayon kay Boy Vargas, pangulo ng ALTODAP, na nangako naman sa kanila si Bautista na isasalang sa maayos na pag-uusap sa darating na Lunes sa LTFRB office ang problema ng ALTODAP kasama ang mga taga-pangasiwa ng Ali Mall. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALI MALL

ANGIE

AYON

BAUTISTA

BOY VARGAS

CHAIRPERSON ELLEN BAUTISTA

CRUZ

CUBAO

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with