Nabatid na inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si MMDA chairman Bayani Fernando na i-lift nito ang number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa lahat ng mga pampasaherong bus.
Bilang bahagi ng panunuyo ng pamahalaan sa transport group upang huwag silang mag-strike at huwag nilang igiit ang pagtaas ng pamasahe.
Base sa rekord ng MMDA, tinatayang mahigit sa 3,000 pampasaherong bus ang pumapasada sa kahabaan ng EDSA, kabilang dito ang mga kolorum.
Dahil sinuspinde ang pagpapatupad ng number coding o UVVRP sa mga public utility buses, madaragdagan ng 600- mga bus ang papasada sa EDSA.
Dahil din dito, inaasahang titindi ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila, lalo na sa kahabaan ng EDSA. (Lordeth Bonilla)