Guwardiya patay sa kapwa guwardiya
March 11, 2004 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang guwardiya ang kanyang officer-in-charge (OIC) makaraang mapikon sa panenermon ng huli nang makitang mismong sa riles ng LRT tumawid ang una, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Hindi na umabot pang buhay sa Pasay City General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Edmedio Torrecampo, guwardiya ng Asap Security 7 Detective Agency at nakatalaga sa LRT Depot 1 bilang OIC.
Kaagad namang tumakas matapos ang isinagawang pamamaril ang suspect na si Robert Eraga.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:35 ng gabi sa guard house sa LRT Depot 1 na matatagpuan sa Aurora Boulevard sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na lasing na lasing ang suspect kasama ang isang guwardiya na si Bernardo Ewag na parehong off-duty at tumawid sa riles ng LRT. Muntik na umanong masagasaan ng tren ang dalawa kung kaya ipinatawag ang mga ito ng kanilang boss na si Torrecampo.
Nang makarating sa guard house ay sinermunan ng biktima ang dalawa na imbes naman na tanggapin ang pangaral ay ikinapikon pa ng suspect na si Eraga.
Bigla itong umalis at pagbalik ay armado na ito ng kalibre. 38 baril na inagaw sa isa niyang kasamahan at saka ilang ulit pinaputukan ang biktimang si Torrecampo na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest