Hiniwalay sa minamahal,nagpakamatay
March 10, 2004 | 12:00am
Hindi nakayanan ng isang lalaki ang pait na dulot ng kanyang bigong pag-ibig matapos na ihiwalay sa kanya ang kanyang minamahal sanhi upang magpakamatay ito, kahapon sa Intramuros, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Pedro Eugenio, 26, residente ng #8 Gen. Luna St. Intramuros.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, nadiskubre ang pagbibigti ng biktima ng kanyang mga kaanak dakong alas-6 ng umaga sa loob ng kuwarto nito gamit ang isang plastic straw.
Ayon sa mga kaanak nito, nabatid na problemado ang biktima matapos na bawiin ng mga magulang ang kanyang ka-live-in na nakilala sa pangalang Gemma.
Nabatid na nagtanan ang dalawa kahit tutol ang magulang ng babae kay Eugenio. Nagbunga naman ang kanilang pagsasama ng isang sanggol na ngayoy apat na buwan na.
Pilit umanong binawi ng mga magulang ng babae si Gemma na labis na ikinalungkot ni Eugenio dahilan upang magpakamatay ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended