^

Metro

4 holdaper timbog sa 'no plate,no travel' policy

-
Apat na holdaper na nagpakilalang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naaresto matapos na sitahin ng mga tauhan ng NCRPO habang sakay ng Tamaraw FX na walang plaka.

Ayon kay NCRPO chief Director General Ricardo de Leon ang mga suspect na nakilalang sina Wilfredo Gantala, 35; Remy Cruz, 32; Espiridion Flores, 36 at Francis Cejalvo, 29.

Ayon kay de Leon sinita ng mga pulis Caloocan ang sasakyan ng mga suspect na Toyota FX na kulay maroon dahil sa kawalan ng plaka.

Nagpakilala ang mga suspect na tauhan ng CIDG at nagpakita pa ng plaka na matapos berepikahin ay napag-alamang peke.

Ito din ang naging daan upang halughugin ng mga pulis ang nasabing sasakyan, kung saan nasamsam ang mga ibat-ibang uri ng baril, granada, iba’t ibang ID, dalawang red plates at P37,000 cash.

Matapos ang imbestigasyon nabatid na kahoholdap pa lamang ng grupo sa mag-asawang sina Rolando at Merlin Marquez sa Sto. Niño Meycauayan, Bulacan habang lulan ng kanilang sasakyan. (Ulat nina Doris Franche at Rose Tamayo)

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR GENERAL RICARDO

DORIS FRANCHE

ESPIRIDION FLORES

FRANCIS CEJALVO

MERLIN MARQUEZ

REMY CRUZ

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with