1 pulis patay, 2 pa sugatan sa hostage drama
March 9, 2004 | 12:00am
Isang pulis ang nasawi, samantalang 2 pa ang sugatan kabilang ang isang hostage taker matapos ang naganap na hostage drama kahapon ng umaga sa Cubao, Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Quirino Labor Hospital si PO1 Diosdado Campos ng NCRPO; habang ginagamot naman sa East Avenue Medical Center si PO1 Rodolfo Chin ng CPD-SWAT. Sugatan din ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Gilbert na pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng droga.
Batay sa nakalap na impormasyon, dakong alas-11:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa (Jollibee) sa may Farmers Plaza EDSA, Quezon City.
Bigla na lamang umanong pumasok ang suspect at inagaw ang .38 kalibre ng baril ng sekyu na nakatalaga sa fastfood chain.
Dahil dito ay naghabulan ang suspect at ang sekyu hanggang sa i-hostage nito ang dalawang empleyado ng call center na siyang naabutan ng dalawang pulis.
Hindi pa man nakakalapit ang dalawang pulis ay agad na itong pinaputukan ng suspect na naging dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.
Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang pulisya upang malaman kung ano ang motibo ng suspect sa kanyang ginawang pangho-hostage. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am