QC shootout: 3 karnaper patay
March 9, 2004 | 12:00am
Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng big time kidnapping syndicates ang napaslang makaraang manlaban sa mga operatiba ng PNP Traffic Management Group (PNP-TMG) sa naganap na shootout sa Fairview, Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang mga nasawing suspect na sina Reynaldo Heber Tabaldo, tubong Jaro, Iloilo; Larry Cayma ng La Loma, Quezon City at Narciso Retaganza, tubong San Francisco, Cebu. Ang tatlo ay iniulat na namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Ayon sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang makasagupa ng kanyang mga tauhan ang mga suspect sa Cresta Verde sa Regalado Avenue malapit sa Commonwealth Avenue, Fairview , Quezon City.
Nabatid pa sa ulat na naispatan ng mga operatiba ang isang karnap na taxi na doon lulan ang mga suspect. Tinangka ng operatiba na pahintuin ang mga ito subalit sinalubong na sila nang pagpapaputok kung kaya napilitan na rin silang gumanti ng putok na ikinasawi ng tatlong suspect.
Lumitaw pa sa imbestigasyon na ang tatlo ay kasapi sa Ilonggo carnapping syndicate na aktibong kumikilos sa Metro Manila at iba pang karatig lalawigan.
Narekober sa bangkay ng tatlong suspect ang tatlong .38 caliber revolver.(Ulat nina Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest