^

Metro

Atienza walang balak makipagdebate

-
Walang plano si Manila Mayor Lito Atienza na makipagdebate kahit kaninong pulitiko na makakalaban niya sa nalalapit na eleksiyon.

Ito naman ang nabatid mula kay Atienza kasabay ng pagsasabing hindi na kailangan pang pagdebatehan ang anumang isyu sa lungsod ng Maynila lalu na’t kung ang pag-uusapan ay hinggil sa sitwasyon ng lungsod.

Ipinaliwanag ni Atienza na balewala ang debate dahil nakikita naman ng mga Manileño ang kanyang nagawa sa loob ng dalawang termino ng pagiging alkalde ng Maynila.

Iginiit ni Atienza na hindi naman dapat na paunlakan ang hamon ni dating Manila Mayor Mel Lopez dahil malaki ang ipinagbago ng Maynila simula ng siya ay umupo bilang ama ng lungsod.

Kitang-kita naman aniya ang kanyang mga nagawa sa Roxas Boulevard, Quiapo, Moriones, Avenida Rizal at Plaza Miranda. Naisaayos din ang paghakot ng basura at kalakaran sa pagbabayad ng buwis.

Mas makabubuting magdebate ang mga pulitiko na wala pang nagagawa upang malaman ng tao kung ano ang kani-kanilang mga plano. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ATIENZA

AVENIDA RIZAL

ELLEN FERNANDO

IGINIIT

IPINALIWANAG

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA MAYOR MEL LOPEZ

MAYNILA

PLAZA MIRANDA

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with