^

Metro

4 pulis-Maynila kinasuhan ng robbery extortion

-
Apat na kagawad ng Western Police District (WPD) ang inaresto ng mga tauhan ni Bureau of Correction Director Dionisio Santiago kaugnay ng pangongotong ng mga ito sa ilang mga dalaw kamakalawa ng hapon sa mismong gate ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspect na sina PO3 Alejandro Abrugar, Jr.; PO3 Cayetano Torres; PO2 Cubarjon Cruz at PO1 Arthur Cordero, Jr. na pawang nakatalaga sa Special Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (SAID-SOTF) ng WPD Station 6.

Naaresto ang mga suspect dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon habang sakay ng isang owner type jeep sa harapan mismo ng main gate ng NBP sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa.

Nabatid na ilang reklamo na umano ang natatanggap ni Santiago laban sa mga suspect mula sa mga nabiktima nito.

Napag-alaman na sa modus operandi ng mga suspect, haharangin nila ang mayayamang dalaw ng mga preso at tataniman ng shabu at hihingan ng pera kapalit ng mga kalayaan nito.

Partikular na binibiktima ng mga suspect ay ang mga dalaw ng mga presong may kasong may kinalaman sa drugs.

Ilan na din sa mga nabiktima ng mga suspect ay pawang mga foreigner na dumalaw sa NBP upang bisitahin ang kanilang mga kababayan na nakapiit dito.

Positibo namang kinilala ng mga biktima sa tanggapan ni Santiago ang mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALEJANDRO ABRUGAR

ARTHUR CORDERO

BUREAU OF CORRECTION DIRECTOR DIONISIO SANTIAGO

CAYETANO TORRES

CUBARJON CRUZ

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK FORCE

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with