^

Metro

Tulay ng Alabang viaduct delikadong mag-collapse

-
Nangangamba ang mga residente at ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City dahil sa posibleng pag-collapse ng tulay ng Alabang Viaduct matapos ng matinding trahedya at kumitil ng maraming buhay dahil sa halagang P600 milyon na kakailanganin para sa rehabilitation nito, ngunit hindi inaaprubahan ng national government dahil sa kawalan ng pondo.

Ayon kay Muntinlupa City Congressman Ruffy Biazon, tila wala nang pag-asa pang maresolba ang lumalalang trapiko sa nabanggit na lungsod lalo na sa area ng Alabang Viaduct dahil apektado rin ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang kahabaan ng South Luzon Expressway.

Wala umanong alternatibong ruta ang mga ito matapos ipagbawal ng lokal na pamahalaan ang pagdaan sa tulay ng Alabang Viaduct.

Lumilitaw na hindi maaaring daanan ng mga naglalakihan at mabibigat na sasakyan ang tulay dahil na rin sa kalumaan nito dahil maaaring magbuwis ng buhay ang sinumang dadaan dito.

Sinabi ng nasabing mambabatas na matagal nang inirereklamo ng pamahalaang lokal ang naturang problema ngunit mistulang bingi sa usapin ang pamahalaan.

Nabatid na ito ay hurisdiksyon ng national government dahil ang naturang lugar ay pambansang lansangan, kung saan ito ang pangunahing daanan patungo sa Southern Luzon area. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALABANG VIADUCT

AYON

DAHIL

LORDETH BONILLA

LUMILITAW

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY CONGRESSMAN RUFFY BIAZON

NABATID

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with