^

Metro

Laborer,inatado ng apat katao

-
Isang laborer ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng apat na lalaki na kinabibilangan ng isang magkapatid kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Pelagio Culong, 22, ng Sixto Ext. Brgy. Culiat matapos itong magtamo ng saksak at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang naaresto ang mga suspect na sina Bernardo, 24, at Bryan Velasco, 29, kapwa residente ng #44 Domingo St. Brgy. Nagkaisang Nayon; Sherwin Cabria, 25, at Christopher Valencia, 24, ng Brgy. Culiat. Ang mga ito ay kasalukuyang nakakulong sa Central Police District Unit-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU).

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Fedencio Basibas, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Kasalukuyang naglalakad ang biktima nang bigla na lamang itong lapitan ng mga suspect at napagtripang gulpihin.

Nakita naman ng mga nagpapatrolyang pulis ng Quezon City ang pangyayari kung kaya’t mabilis na naaresto ang mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BRGY

BRYAN VELASCO

CENTRAL POLICE DISTRICT UNIT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CHRISTOPHER VALENCIA

CULIAT

DOMINGO ST. BRGY

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FEDENCIO BASIBAS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with