Pulis, traffic enforcer kritikal sa agaw-armas
March 6, 2004 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang pulis at isang MMDA traffic enforcer makaraang barilin ito ng dalawang umanoy miyembro ng agaw-armas, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Nasa kritikal na kalagayan ngayon sa Mission Hospital ang mga biktimang sina SPO3 Antonio dela Rosa, 54, nakatalaga sa Pasig City Traffic Management Unit sanhi ng dalawang tama sa mukha at katawan at si Alfonso Carriaga, 55, traffic enforcer, ng Mascardo St., Brgy. Silangan, Quezon City.
Pinaghahanap na ng pulisya ang hindi pa kilalang mga suspect na agad na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi habang nagtitiket si SPO3 dela Rosa sa hinuling driver ng pampasaherong jeep sa kanto ng A. Rodriguez at Ortigas Ave., Brgy. Rosario ng lungsod na ito.
Bigla na lang lumapit ang dalawang suspect at pinaputukan ng isa sa mga ito ang pulis. Kinuha naman ng isa pang suspek ang service firearm ng pulis at pinaputukan pa ito ng isa sa katawan.
Matapos ang pamamaril ay umalis na ang dalawang suspect sa lugar ng insidente subalit nakasalubong ng mga ito si Carriaga na reresponde sana sa nabaril na parak kaya binaril din ito ng mga suspect sa tiyan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am