^

Metro

LTFRB di patatakot sa strikers

-
Tinaasan ng kilay ni LTFRB Chairperson Ellen Bautista ang transport sector at nagsabing hindi siya padadala sa pananakot ng mga ito kaugnay ng bantang transport strike sa Lunes, Marso 8.

Ayon kay Bautista, paglabag sa itinatakda ng kanilang franchise ang ginawang strike ng mga grupo ng transportasyon noong nakalipas na Lunes dahil sa hindi nila tinupad ang responsibilidad para sa taumbayan.

Si Pangulong Arroyo lamang anya ang siyang may kamay upang mapigilan ang LTFRB na huwag nang magkansela ng prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan na nagwelga kamakailan.

Binigyang-diin ni Bautista na hindi basta-basta maaaring mag-strike ang mga public utility vehicles dahil ayon sa batas, binigyan sila ng karapatan na magsakay ng mga pasahero para sa kapakanan at proteksyon ng publiko. Gayunman, nakatakda namang kausapin ni DOTC Sec. Mendoza ang transport group leaders upang himukin na huwag nang ituloy ang ‘tigil-pasada’ sa Lunes. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BAUTISTA

BINIGYANG

CHAIRPERSON ELLEN BAUTISTA

CRUZ

GAYUNMAN

MARSO

MENDOZA

SI PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with