^

Metro

Mag-utol binoga ng kainuman: 1 dedo

-
Nasawi ang isang lalaki habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang kapatid matapos na barilin ng kainuman ng una, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital si Lloyd Estrada, 37, ng #158 Faustino St., Brgy. Punturin, Valenzuela, sanhi ng isang tama ng di-mabatid na kalibre ng baril sa dibdib.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa nabanggit na pagamutan ang kapatid nitong si Jayson, 21, na nagtamo naman ng tama ng bala ng baril sa katawan at balikat.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Ruben Marabasbas, kasamahan sa trabaho ng nasawi, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa construction site sa Masterbuilt Bldg. sa Brgy. Punturin.

Una umanong inabutan ni Duyao ang kanyang kapatid na nakikipag-inuman sa mga kasamahan at nang magkalasingan ay bigla na lamang kinompronta ng suspect ang nasawi sa hindi malamang dahilan.

Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang bumunot ng baril ang suspect at agad na pinagbabaril ang magkapatid bago tuluyang tumakas sa hindi mabatid na lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BRGY

DUYAO

FAUSTINO ST.

LLOYD ESTRADA

MASTERBUILT BLDG

PUNTURIN

ROSE TAMAYO

RUBEN MARABASBAS

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with