^

Metro

NCRPO nakaalerto sa destabilisasyon

-
Nakaalerto ngayon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) kaugnay ng umano’y nakaambang destabilisasyon makaraang mabuking ang tatlong matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na napaulat na nagre-recruit ng mga sundalo laban sa pamahalaan, kasabay ng pagpapalabas ng desisyon ng Korte Suprema sa citizenship ni presidential candidate Fernando Poe, Jr.

Ayon kay NCRPO chief Director General Ricardo de Leon, kailangan na maging handa ang kapulisan sa posibilidad na mayroon nang nakuhang tao ang mga opisyal na kinabibilangan nina Col. Ernie Amboy, Lt. Col. Nelson Eleazar at Lt. Col. Eduardo de Castro, pawang mga nakatalaga sa Armed Reserved Command sa Ternate, Cavite.

Bagamat sinasabing nakakulong na ang tatlo, sinabi ni De Leon na mas makabubuting ialerto ang limang distrito ng kapulisan upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Kaugnay nito, inatasan na rin niya ang mga district directors at station commanders na bantayan ang lahat ng mga vital installation katulad ng paliparan, seaports, communication facilities, mga malls at iba pang matataong lugar sa Metro Manila laban sa pinangangambahang destabilisasyon na posibleng isagawa ng iba pang grupo.

Binanggit din ni De Leon na ang kanilang trabaho ay upang ipatupad ang batas at pangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan. (Ulat ni Doris Franche)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINE

ARMED RESERVED COMMAND

DE LEON

DIRECTOR GENERAL RICARDO

DORIS FRANCHE

ERNIE AMBOY

FERNANDO POE

KORTE SUPREMA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with