^

Metro

Tinedyer pinagalitan ng lolo, nagbigti

-
Isang 18-anyos ang nagpasyang wakasan ang sariling buhay nang magbigti matapos na pagalitan ng kanyang lolo dahil sa pagiging sugapa sa droga at pagiging basagulero, kahapon ng umaga sa Quiapo, Manila.

Nakilala ang biktima na si Aldrin Chavez, binata, ng #14 Praternal St., Quiapo.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division, nadiskubre ang pagpapakamatay ni Chavez dakong alas-6 ng umaga sa loob ng kuwarto nito.

Nabatid na bago ang pagbibigti, umuwi ang biktima sa bahay na umano’y nasa impluwensiya ng droga. Sinalubong ito ng kanyang lolo ng sermon dahil sa konsumisyong ipinapasok sa kanilang pamilya.

Nabatid na matapos ang hapunan ay hindi na ito lumabas ng kuwarto ang biktima. Gigisingin sana ito ng kasambahay nang madiskubre ang ginawang pagbibigti gamit ang isang lubid na abaka. Wala namang natagpuang suicide letter buhat sa biktima sa kanyang kuwarto. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALDRIN CHAVEZ

CHAVEZ

DANILO GARCIA

GIGISINGIN

HOMICIDE DIVISION

ISANG

NABATID

NAKILALA

PRATERNAL ST.

SINALUBONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with