^

Metro

Taiwanese na sabit sa gun smuggling,nadakip

-
Bumagsak sa kamay ng Western Police District (WPD) ang isang Taiwanese national na miyembro ng isang big-time na sindikato ng smuggled na baril kasama ang kanyang Pinay na misis sa isang operasyon kamakailan sa Pasig City. Nakilala ang nadakip na suspect na si Chu Chun-Te, 46, at kanyang asawa na si Juanita Chay Chu, 37, kapwa naninirahan sa C. Raymundo Avenue, Pasig City.

Pinaghahanap naman ang kanyang kasamahan na si Ting Cheng-Hsiang, isa ring Taiwanese national na pinaniniwalaang nagtatago naman sa Zambales. Nabatid na ang dalawang dayuhan ay matagal nang pinaghahanap ng Taiwanese government at ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) noon pang 2002 dahil sa pagpapasok ng mga baril buhat sa Taiwan at Pilipinas.

Sa ulat ng WPD-District Police Intelligence Unit (DPIU), nakipagkoordinasyon si Taiwanese Detective Ted Chih-Wei Liu upang mabatid ang pinagtataguan ng suspect.

Bumuo naman ng isang crack team ang WPD kung saan nabatid na nagmamay-ari ng isang surplus shop si Chu sa Pasig City. Agad na nakipagkoordinasyon ang WPD sa Pasig police station kung saan inaresto ang suspect sa loob ng pag-aari niyang R. Sunga Enterprises.

Nakatakdang ibigay ngayon ng WPD ang suspect sa BID para sa pagsasampa ng kaso laban dito habang isasailalim din ang kanyang asawa sa imbestigasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CHU CHUN-TE

DANILO GARCIA

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

JUANITA CHAY CHU

PASIG CITY

RAYMUNDO AVENUE

SUNGA ENTERPRISES

TAIWANESE DETECTIVE TED CHIH-WEI LIU

TING CHENG-HSIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with