^

Metro

P 150-M halaga ng shabu nasamsam sa QC

-
Umaabot sa P150 milyong halaga ng shabu at 3.7 toneladang ephedrine ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Force (PNP-AID-SOTF) at Quezon City police makaraang salakayin ang isang shabu laboratory sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay PNP-AID-SOTF chief Deputy Director General Edgar Aglipay, ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Natividad Giron-Dizon ng Quezon City Regional Trial Court sa isang bahay sa 193 Sct. Chuatoco St., Barangay Obrero ng nasabing lungsod dakong alas-7 ng umaga.

Nabatid pa sa opisyal na ang nasabing bahay ay may limang malalaking kuwarto na nirerentahan ng Taiwanese drug lord na si Mico Tan at ginawa umanong shabu laboratory ng sindikato.

Ayon kay Aglipay, naisakatuparan ang raid matapos ang masusing surveillance operations na isinagawa ng mga operatiba ng PNP-AID-SOTF sa nasabing lugar.

Nasamsam sa lugar ang 30 kilo ng high-grade methamphetamine hydrochloride o shabu at ang 3.7 toneladang ephedrine na nakalagay sa 148 sako. Bukod dito, nasamsam din sa lugar ang mga pinatuyong dahon ng marijuana at mga laboratory equipments na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Binanggit pa ni Aglipay na ang nasamsam na ephedrine ay maaring makagawa ng may 3,700 kilos ng shabu.

Magugunita na si Tan ay siya ring itinuturong nasa likod ng nalansag na shabu laboratory sa Antipolo City noong nakalipas na Nobyembre.

Sa operasyon sa Quezon City, wala ni isa mang drug lord at mga tauhan ng sindikato ang nasakote sa isinagawang operasyon.(Ulat nina Joy Cantos at Angie dela Cruz)

AGLIPAY

ANTIPOLO CITY

AYON

BARANGAY OBRERO

CHUATOCO ST.

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EXECUTIVE JUDGE NATIVIDAD GIRON-DIZON

JOY CANTOS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with