^

Metro

4-anyos na babae pinatay ng adik

-
Isang 4-anyos na batang babae ang iniulat na napagtripan at napatay ng isang drug addict noong Sabado sa Caloocan City.

Sa naantalang ulat na nakarating sa Northern Police District nakilala ang paslit na biktima na si Marivic Juebulan, ng #259 Molave St., Pleasant View Subdivision, Barangay Bagbaguin, Caloocan City North. Namatay ito dahil sa malalalim na sugat sa ulo dakong alas-2 ng hapon noong Sabado.

Samantala, mabilis namang nadakip ang suspect na nakilalang si Frederick Budra, 25, ng Barangay Kaybiga ng Camarin. Isinampa na ang kasong murder laban dito at walang piyansang inirekomenda sa pansamantalang paglaya nito.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon habang ang biktima ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Molave St. nang masalubong ang suspect na si Budra na noon ay bangag na bangag sa droga at may hawak na bote ng softdrinks.

Walang sabi-sabing hinataw ng suspect ng bote sa ulo ang batang biktima na agad na bumagsak sa kalsada.

Hindi pa umano nasiyahan ang suspect at hinila pa ang buhok ng bata at saka inuntog nang paulit-ulit sa semento. Bukod dito, sinabi pa ng mga testigo na pinagsisipa pa ng suspect ang nakahandusay ng paslit.

Mabilis na sumaklolo ang ilang residente na nakasaksi sa insidente at isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Agad din namang nadakip ang adik na suspect.(Ulat ni Pete Laude)

vuukle comment

BARANGAY BAGBAGUIN

BARANGAY KAYBIGA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY NORTH

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FREDERICK BUDRA

MARIVIC JUEBULAN

MOLAVE ST.

NORTHERN POLICE DISTRICT

PETE LAUDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with