^

Metro

Peace covenant sa mga kandidato isusulong ng NPDO

-
Isusulong ni Northern Police District Office (NPDO) director Chief Supt. Marcelino Franco ang paglagda sa isang ‘peace covenant’ ng mga kandidato sa CAMANAVA area upang matiyak ang isang malinis at mapayapang eleksiyon sa Mayo.

Ayon kay Franco, malaking tulong sa kanila kung pipirma sa isang covenant ang mga kandidato bago at hanggang sa matapos ang halalan.

Ipinaliwanag ni Franco na ang Caloocan City ay isa sa mga lungsod na idineklara ng Commission on Election na hotspot dahil na rin sa alitan ng mga kandidato tuwing panahon ng eleksiyon.

Ilan sa mga nagbigay ng suporta ay sina Congressman Enrico Echiverri at dating alkalde Macario Asistio na kapwa tumatakbo sa pagka-mayor ng nasabing lungsod.

Binalaan naman ni Franco ang kanyang mga pulis na makikitang nakikipag-ugnayan sa mga kandidato. Aniya, agad niyang irerekomenda ang suspensiyon ng mga ito sa serbisyo. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

CONGRESSMAN ENRICO ECHIVERRI

MACARIO ASISTIO

MARCELINO FRANCO

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with