Milyong pisong ari-arian nilamon ng apoy
March 1, 2004 | 12:00am
Tinatayang aabot sa milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy makaraang masunog ang isang hardware sa hindi pa malamang kadahilanan kahapon ng tanghali sa Parañaque City.
Ayon kay FO3 Jorge Albito, ng Parañaque City Fire Department, dakong alas-12:01 ng tanghali naganap ang insidente sa 1999 Hardware na matatagpuan sa kahabaan ng Sucat Road, Gatchalian Subdivision, Barangay San Dionesio ng lungsod na ito.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng nabanggit na hardware at masusi pang iniimbestigahan kung ano ang pinagmulan ng sunog.
Nagbabala na rin ang Bureau of Fire Protection sa publiko na ibayong pag-iingat ang gawin dahil ang buwan ng Marso ang tinaguriang Fire Prevention Month. Kung saan inaasahang kadalasang nagkakaroon ng mga sunog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended